Huwebes, Pebrero 19, 2015

URI AT MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK



 


          Isa itong sistematikong paraan ng pag-aaral ay pagsusuring lohikal sa pamamagitan ng matiyagang pagkuha ng mga datos o impormasyon mula sa pangunahing mga materyales ukol sa isang paksa o problemang pang-agham, panliterature, pangkasaysayan, pangmedisina at iba pang disiplinana isinusulat at iniuulat para sa kaalaman at impormasyon ng mga tao.

MGA URI NG PANANALIKSIK
·       EKSPERIMENTAL

Ito ay paraan ng pananaliksik na ginagamitan ng laboratory upang tuklasin ang kadalisayan at katotohanang bunga ng mga datos na nakalap para sa isang mahalagang problema at paksa.

·    PALARAWAN (Descriptive)

Pinag-aaralan dito ang kasalukuyang ginagawa at mga isyu na importante sa tao. Ang mga mananaliksik sa uring ito ng pananaliksik ay nagsasagawa ng mga sarbey na nagpapaliwanag sa naging pakahulugan sa mga datos na nakalap.

·    PANGKASAYSAYAN (Historical)

Nauukol ito sa pag-aaral sa mga bagay o isyu ng nakaraan. Kung may pagdududa sa isang pangyayari sa nakaraan, maaaring pag-aralan ang mga pangyayari sa likod nito at sa mga pangyayari na bumabalot dito.

·    PAG-AARAL SA ISANG KASO (Case Study)

Nagagamit ang paraang ito ng pananaliksik sa isang usaping panghukuman na naging lubhang kontrobersyal, inaalam dito ang mga dahilan kung bakit naganap ang mga pangyayari.

·   NABABATAY SA PAMANTAYANG PANANALIKSIK

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay ihahambing sa isang umiiral na pamantayan.

MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
·     PANIMULA

    Taglay nito ang rasyunal na dahilan kung bakit isinasagawa ang pananaliksik. dito ipinapahayag ang mga layunin ay kahalagahan ng pag-aaral. Ipinapaliwanag din dito ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral, batayang konsepto o kung paano isasagawa ang pag-aaral. Inilalahad na rin dito ang paraan ng pananaliksik na gagamitin, at paano titipunin ang mga datos.

    KATAWAN O NILALAMAN

    Dito inilalahad ang mga natuklasan sa pagsasaliksik. Maaaring gumamit ng sari-saring pantulong gaya ng tsart, mapa, grap, at talahanayan sa pagpapaliwanag sa resulta na natagpuan sa pag-aaral at pananaliksik.

    WAKAS O KONKLUSYON
    
    Gagawin dito ang paglalagomng resulta ng pag-aaral at tinatapos sa paglalahat o pagbibigay ng konklusyon at rekomendasyon ukol sa maaari pang gawin kaugnay ng pag-aaral, gaya ng pag-aaral para malinawan pa ang ilang isyu na hindi lubhang nalutas sa pag-aaral na ito.

    ANG BIBLIOGRAPI

    Ito'y talaan ng mga libro, magasin, peryodiko at iba pang sanggunian na ginagamit sa pag-aaral. Nararapat lamang na ipakita ng nagsaliksik ang pasasalamat sa mga awtor ng libro at iba pang sangguniang ginamit at nakatulong sa ginawa nyang pag-aaral.



7 komento:

  1. VERY INFORMATIVE,WELL RESEARCH ARTICLE THANKS! Sakit.info

    TumugonBurahin
  2. may kakulangan pa po pero salamat sa effort dahil kahit papaano po ay may information na nabatid. God bless.


    @Bombo_Martin

    TumugonBurahin
  3. Stainless Steel - Titanium Art
    Stainless Steel, titanium framing hammer Titanium Gold (510C) - $3.95, 3-7 days after sale. titanium necklace mens Product Details. Stainless titanium (iv) oxide Steel titanium gold - Titanium Art. Description - can titanium rings be resized stainless steel $4.95 · ‎In stock

    TumugonBurahin